Wednesday, August 03, 2011

ISANG PAMAMAALAM


Sa loob ng ilang linggo, lilisanin ko na ang Baguio…isang lugar na naging tirahan at nag-aruga sa akin sa loob ng apat na taon…sa gagawin kong pagbaba, marami akong makukuha pero marami ring magiging kapalit…

Wala ng Kaffee Klatsch na kung saan maaari kaming mag-jam ng mga kaibigan ko…wala ng Starmart Engineer’s Hill na may bente pesos na kape…wala ng taxi na puwede akong iikot sa baguio at benguet sa halagang p150…wala ng sm baguio na puwede kong puntahan kahit naka-pyjamas ako…wala ng burnham park na bibilhan ko ng fishballs at squid balls…wala na akong bibisitahing mines view dahil sa kanilang inihaw na pusit at hotdog on stick…wala ng session road na inaakyat-baba ko lang…wala ng manang siomai na binibilhan ko ng tatlong piraso ng super sarap na siomai sa halagang sampung piso…mawawala na rin ako sa loob ng unibersidad ng pilipinas baguio na kung saan maaari akong tumambay sa lobby ng nakasalampak…wala na rin akong pupuntahang tambayan katulad ng im plaza stairs…wala na yung lamig na nagiging dahilan ng tuwirang pagpapa-laundry ng makakapal ng kumot at comforter…

Pagdating ko dun, papasukin pa kaya ako ng guard kahit nakasuot ako ng rubber flip-flops? magkakaroon pa kaya ng silbi ang makakapal kong jacket at sweat shirts? makalabas pa kaya ako ng bahay na nakasuot lang ng jogging pants at baby tee habang ang laman lang ng wallet ko ay isang daan? kailangan ko na rin bang magsuot ng mini skirt at backless tops? makapagtext o makatawag pa kaya ako habang papasok ng campus na hindi nangangambang ano mang oras ay may hahablot sa telepono ko? masabayan ko kaya ang hangos ng mga taong nagmamadaling papasok ng lrt o mahabol ko kaya ang bus na nagmamadali sa pag-pick up ng pasahero?

Ang daming magiging pagbabago…hindi ko alam kung ikatutuwa o ikatatakot ko… dito ang bagal ng takbo ng oras at ang bawat minuto ay lumilipas na nararamdaman ko ang buhay…ang cheesy na ng sinusulat ko…pero siguro, ang gusto ko lang sabihin, tumatak na sa akin ang baguio at ang mga taong nakasama ko..dito natuto akong bumuo ng pangarap…salamat sa mga taong sinamahan akong buuin yon…parte na kayo ng alaala ko…

March 27th, 2007 at 1:12 am

No comments: