Wednesday, August 03, 2011

LETRA. SULAT. WALA NA.


Mahirap magsulat lalo kung wala namang patutunguhan. Mas mahirap isipin kung ano ang magiging opinyon ng mga tao sa kung ano man ang mababasa nila. Maaari ko itong ikatuwa at maging daan para muli pa akong sumulat o kaya naman ay ilagay ko na lang lahat ng aking naiisip sa dulong bahagi ng utak ko at magbakasakaling maalala pa ito kinabukasan. Pero kung ang korte nga, isinasaalang-alang ang inevitable frailty of human memory (1), ako pa kayang taga-lupa? Hayaan na ang mga iisipin ng iba. Una, kailangang magsulat ng kagaya kong may mga bagay na hindi masabi, ayaw sabihin o walang pagkakataong makapagsabi dahil baka makalimutan ko na. Pangalawa, ang mga letra o salitang maisusulat ang magbibigay buhay sa mga kaisipang naapakan, naisiksik at nabura dahil sa panahong lumipas o dahil walang nakinig sa mga bagay na hindi ko sinabi. Huli, dahil kailangan ko ng dibersyon at libangan. Sa bilis ng agos ng buhay ko sa mga panahong ito, baka maiwan na naman yung mga alaala ko; lalong hindi ko na mabalikan. 

Salamat na lamang sa isang guro at kaibigan na dati ay nagpawa sa amin ng blog na ito. Aksidente lamang na makita ko pa ito at kandahirap pa akong tandaan ang password. Mabuti na lamang pinaalala nito na una kong minahal ang pagsusulat at kahit gaano kawalang halaga ang aking mga pananaw bilang estudyante, may isang propesor na gusto pa rin itong malaman. Salamat, kailangan ng mga unibersidad ang mas marami pang kagaya mo. 

Dahil tapos na akong mag-drama sa panimula, kelangan ko nang ilagay dito ang mga nakalkal ko sa lumang baul ng laptop. Huwag mo na silang basahin, maiinis ka lang.      



2) Natutunan ko yata to dati sa unibersidad.

No comments: